Thursday, June 22, 2006

Belated Happy Father's Day (Korean Style)

kahapon nag celebrate kami ng family ko ng late na fathers day. kasi last sunday e medyo masama pakiramdam ng lola ko kaya di kai nakaalis ng bahay. tsaka bihira den kami family maka kain sabay sabay sa labas kasi medyo magulo di na tutugma ang schedules namin. minsan nasa cavite ako, ang kapatid ko naman nasa makati usually, kaya eksakto kahapon na kumpleto kaming family kaya ci-nelebrate namin ang fathers day ng pagkain sa labas.
ang hilig den kasi ng family namin ay kumain. usually pag nakain kami sa labas, laging japanese resto ang bagsak namin. tapos noon, masiba pa ako kumain (read: nakaka 5x na balik ako sa buffet table at puno lagi ang plate ko ha), kaya laging sa saisaki kami. kahapon, nag decide kami na maiba naman. kasi uso naman ang mga korea-novela, kayat korean restaurant naman ang kinainan namin.
nakalimutan ko na ang pangalan ng restaurant, basta laging puno ng kotse ang place nila sa may aguirre st., sa bf paranaque. ok yung restaurant, ang cook nila ay yung may ari na koreana. pag pasok namin, sumalubong pa sya pero bow lang ng bow at nakangiti kasi di marunong mag tagalog. hehehe. ok ang korean cuisine kasi medyo spicy ang mga luto nila, e mahilig kami sa spicy, kaya perfect sa amin ito.
syempre start muna ang meal nyo ng appetizers. merong kimchi, pritong talong, pritong okra, gulay , at kung ano ano pa na i se serve sa inyo sa maliliit na platters. ang maganda pa nito ay pwede ang refill! hehehe. kaya kain to the max ako. tapos nun, order na kayo. ang inorder namin ang famous korean barbeque nila, seafood hotpot at seafood pancakes. yung korean bbq, lulutuin sa maliit na kalan sa harap nyo. mga marinated ribs sya na pag naluto, ibabalot mo sa lettuce, lalagyan ng chili paste at garlic at sili, tapos kakainin na with kanin o kaya as is. ang sarap! ang seafood hotpot naman parang sinigang ang dating na walang paaisim. pero masarap ang base soup nila. halo halong seafood lang (fish head, shells, shrimp, squid, gulay, etc.) lulutuin den sa harap mo sa maliit na kalan. ang anghang sobra ng sabaw nya. tapos ang seaood pancake naman ay parang tortang malaki lang. pinaganda lang.
amidst the tulo sipon at pag inom ng madaming tubig sa anghang, enjoy kami. kahit medyo pricey yung resto, masaya ang family ko at busog kaming umuwi. hehehe

No comments: