
bad trip nung thursday, gabi na kasi tapos susunduin ko sana si ivy. kaso bandang bayang luma medyo naramdaman ko na matigas yung manibela ng kotse. so pag baba ko nakita ko na flat ang gulong. inayos ko ang parada at hinalungkat ang trunk para kuhanin ang jack ko. kaso mo ang malas e pag gamit ko ng jack, sira! ayaw umangat. anak ng tupa! so tinakbo ko na den sa pinaka malapit na vulcanizing shop (medyo malayo den yun) kaso sarado na. buti nalang may carwash ako nadaanan at may jack sila. at least sila na nag palit ng gulong ko. buti nalang di nasira rim ko. no choice na den kasi e. wala ng magawa kundi itakbo kasi 1 lang ata yung vulcanizing shop sa area, sarado pa. kawawa naman si ivy kasi past 10 na umuwi from overtime.
kinabukasan ang mas masakit. kasi napabili ako ng 2 brand new na gulong :( ang mahal. pero kailangan na talagang palitan e. medyo tanghali na natapos kaya di na den ako makakapasok. buti nalang may degree work sa cavite lodge #2. so bihis nalang ako at dumalo para makasama ang mga brethren.
4 na demolays ang nag decide sumali sa mason. nahihiya ako sa senior warden ng cavite lodge#2 kasi bihira ako maka attend sa degree works nila. pero masaya naman ako at nakasama ako sa conferal team para mag confer ng degree sa demolays. at least maaalala nila ako na ako yung isa sa mga humawak sa kanila bago sila maging mason. hehehe
isa sa mga active na matandang mason sa lodge 2 ay so worshipful rocky, past master ng lodge 2. ang nakakatuwa dito, bestfriend sya ng lolo ni ivy. as in tambay sya daw madalas sa bahay nila ivy noon pang bata si ivy. sayang nga at wala na lolo ni ivy. sana na meet ko sya noon pa pa. siguradong magkakasundo kami. past master den ang lolo ni ivy ng pilar lodge #15 sa imus at very active sa appendant bodies ng mason. may daladalang lumang picture si rocky kagabi na kuha nila ng lolo ni ivy noong nagpunta ang tropang shriner sa bontoc. kinunan ko ng


No comments:
Post a Comment