Tuesday, May 30, 2006

Survey

>top 3 fictional places you want to visit:1]middle earth2]gotham city3]hogwarts

>top 3 existing places you want to visit:1]amsterdam2]carribean3]japan

>top 3 weapons you want to master:1]nunchucks2]samurai3]balisong

>top 3 bands or musicians:1]jack johnson2]metallica3]beatles

>top 3 instruments you want to be good at:1]guitar2]bass3]drums

>top 3 songs that you love right now:1]the ghost of you - my chemical romance2]better together - jack johnson3]lost in space - sitti

>top 3 super powers you want:1]strength2]invisibility3]flying

>top 3 foods you could eat everyday for a year:1]jolibee chickenjoy2]tuna sushi3]salmon sashimi

>top 3 painters or artists you like:1]leonardo da vinci2]van gogh3]bencab

>top 3 books or comics:1]on the road - jack kerouac2]dress your family in curduroy - david sedaris3]kitchen confidential - anthony bourdain

>top 3 comic strips:1]spiderman2]archie3]pugad baboy

>top 3 cartoon shows:1]thunder cats2]transformers3]diamos

>top 3 movies you love:1]jerry maguire2]reality bites3]full metal jacket

>top 3 cartoon characters you'd like to be:1]human torch2]quicksilver 3]wolverine

>top 3 movie charcters you'd like to be:1]ethan hawke sa reality bites2]human torch sa fantastic
4 3]tsaka yung bida sa fast and the furious

>top 3 people(dead or alive) you'd like to have coffee and conversation with:1]jack kerouac2]stevie ray vaughan3]anthony bourdain

>top 3 occupations you'd want to have:1]chef2]poet3]rockstar

>top 3 quotes or sayings you like or like using:1]nye2]anak ng...3]hanep e

>top 3 fictional monsters or creatures:1]dragon2]hobbits3]unicorn

>top 3 beverages:1]san miguel beer pale pilsen2]coke3]water

>top 3 flavors of ice cream:1]chocolate2]vanilla3]pistachio

>top 3 things you do when you are bored:1]read2]listen to my ipod3]internet

>top 3 things you have to have with you:1]ipod2]cellphone3]cash

>top 3 animals you'd like to have as pets:1]tiger2]horse3]rottweiler

>top 3 TV shows you watch:1]jerry springer (hehehe)2]no reservations ni anthony bourdain3]
reporter's notebook

IMAX at ang nakakaligaw na mall


kahapon sumabay ang ako sa daddy ko sa kotse kasi medyo mahal na ang gas ngayon. nag increase na naman last weekend ang bwisit na gas ng P .50, kelan kaya titigil ito? sobra ng mahal mag travel ngayon. ang isang libong pisong gas nga naubos ko lang sa byahe ng 2 days e. gusto ko ng mag palit ng mas maliit na engine na kotse. sana 1.3 o pwede na den 1.0 na makina! at least tipid kahit mabagal. di ko naman kailangan makipag karera e.
speaking of karera, kahapon medyo maaga kami umalis ng office para makisakay sa bandwagon ng mga taong nakapanood na ng imax. hehehe. naiintriga den ako dito e. kasi di pa den ako nakakapanood nito, puro kwento lang naririnig ko. although nakapanood na ako ng 3d movie sa disney world noon. pero ibang klase daw ang imax kasi umaabot ng 8 storey building ang taas ng screen nito o 80 feet ang taas. located ito sa bagong bukas na mall of asia.
pag dating namin sa mall, nagulat ako kasi sobrang laki pala nito. expected ko crowded ang kalye papunta at mahirap mag park. pero hindi pala. kasi sobrang laki ng parking sa labas, at may covered parking den sila, hassle nga lang kasi kailangan mo magbayad ng P40 pag exit sa covered. pag pasok mo sa mall medyo magugulat ka (siguro dahil 1st time ko din lang nakapasok) kasi nakakaligaw yung lugar sa laki. manonood sana kami ng everest sa sa imax, pero according dun sa counter, may problema daw yung everest kaya nascar lang ang available. pero 3d movie ito. since napanood na ng daddy ko, ako nalang mag isa ang nanood (45 minutes lang naman e).
pag pasok mo sa theater makikita mo na ang laki sobra ng screen at ang daming seats, sabi nila mga 600+ daw ang capacity nito. pag start ng trailer, suot mo na yung 3d glasses mo. sa trailer pa lang, pag bago ka lang nakapanood ng 3d film, ma e excite ka na kasi feeling o talaga yung mga characters sa screen e lumalabas at parang nasa harapan mo lang. yung ibang katabi ko nga e parang inaabot pa yun sa harapan nila e. hehehe. ok ang experience. sana lahat ng bata ma experience ito, dahil nakaka enjoy. sana nga lang babaan nila pa ng konti ang fee para yung ibang bata makapanood rin dito.

Monday, May 29, 2006

shuffle survey


Konting survey muna: (grabbed from mio paredes' blog)

Go to your music player of choice and put it all on shuffle. Say the following questions aloud, and after each one press play. Use the song title as the answer to the question.

[01] What do you think of me? >: There is a small light that never goes out by: the smiths

[02] Will I have a happy life?>: speechless by: beyonce knowles. heheheh

[03] What do my friends really think of me?>: shoot the dog by: george michael ano daw?

[04] Do people secretly lust after me?>: under pressure by: queen

[05] How can I make myself happy?>: daysleeper by: rem (galing ah)

[06] What should I do with my life?>: first of summer by: urban dub

[07] Why must life be so full of pain?>: losing my religion by: rem

[08] How can I maximize my pleasure during sex?>: if 6 was 9 by: jimi hendrix (HAHAHAHAHA di ko ito dinaya ha.)

[09] Will I ever have children?>: money by: alex skolnick trio (pera nalang daw!)

[10] Will I die happy?>: winter by: tori amos (parang hindi ata ako mamamatay ng masaya, hehehe)

[11] Can you give me some advice?>: like suicide by: soundgarden

[12] What do you think happiness is?>: lullaby by: jack johnson

[13] What's my favourite fetish?>: thank you for the venom by: my chemical romance

Sunday, May 28, 2006

the gown fitting & da vinci


yesterday me and ivy went to west ave to meet up with our friends and for the girls to fit into their gowns and make adjustments if any. medyo na hassle lang kami ng konti kasi late na kami nakaalis ng cavite. the gowns actually looked really good on the girls and fit them really well. tito (i forgot) did really well sa pag design at pag tahi ng gowns. simple lang sya pero smart and dating. hope they wouldn't grow fat till the wedding day (time remaining: 10 days). hehehe.
and badtrip lang ay yung papunta namin ng makati kasi sobrang lakas ng ulan! as is buhos talaga. buti nalang di gaano nag traffic sa edsa. sa lahat pa naman ng ayoko sa pag d drive ay yung mag mamaneho sa lugar na di ako masyado familiar tapos bubuhos ang ulan. natatakot ako na baka tumirik ang sasakyan ko sa gitna ng edsa sa gitna ng malakas na ulan. pero thank God at nakarating kami ng makati ng maayos sa tulong na den ng kaibigan namin.
last week pa kasi namin planong manood ng da vinci code. pero grabe ang tao! parang langgam sa dami nung nasilip ko yung sinehan sa greenbelt at glorietta. so nag decide ako na palampasin ng 1 linggo at mag sasawa den ang mga tao na yun. buti nalang at sinabayan ng xmen 3 yung da vinci this week kaya majority ng tao ay manonood ng xmen.
honestly, medyo siguro mataas expectations ko sa da vinci code movie. kasi parang sa libro ay sobrang page turner nito. kaso lang nung napanood ko, sa opinion ko lang ay medyo boring. parang ang layo sa libro. kulang sa suspense e. again, baka nga high lang ang expectations ko. kasi may mga parts sa movie na muntikan na ako maka tulog sa tamad e. hehehe. anyway, suggest ko lang ay basahin nyo nalang ang kahit napanood nyo na o hindi pa yung movie. kasi iba yung thrill na makukuha sa book e. yun lang.

p.s. sorry sa quality ng pictures. sa cellphone ko lang kinunan e.

Thursday, May 25, 2006

shabu shabu kahit mainit sa labas

medyo mahaba ang araw ko kanina. nung umaga, nag pa 2d echo ang lola ko sa hospital. sinamahan namin ng kapatid ko. grabe, ang init sa waiting room. e malayo pa naman ang nilakad ko from parking lot. imagine nyo na maglakad sa initan tapos diretso sa isang waiting room with a fair number of people, tapos mahina ang aircon. nililinis ata. ang masaklap nito, may naiwan pa ako sa parking lot, so balik na naman ako, tagaktak ang pawis. tapos pag balik ko, hallelujia! malakas na ulit ang aircon. hehehe
tapos noon, mga 12pm na. nag bayad pa ako sa pldt sa las pinas. ang traffic sobra at ang init sa labas. tapos noon ay kumuha pa ng damit ang kapatid ko sa bahay kasi sa condo sya matutulog ngayon gabi. di pa kasi inayos kagabi ang damit e.
naawa ata ang lola ko sa amin, kaya nag bigay ng pang lunch. hehehe. so diretso kami sa shabu shabu sa may ccp. kalimutan ko ang pangalan e. pero masarap dun. nag order kami ng beef and seafood. tapos additional oysters at kimchi! ang sarap! grabe, sakit ng tyan ko.
tapos diretso sa office para mag trabaho at magpa sukat ng barong para sa kasal ni roy. tapos diretso ako kina jay para pag usapan ang stag party ni roy. wala den naman masyado napag usapan. naglaro lang kami ng mmorpg. hehehe
hay. nakakapagod. sa sabado, may fitting naman si ivy ng gown sa west ave. hehehe. ok ito. medyo may mapapasyalan sa weekend.
nakakaatok. tulog na ako. goodnight!

Friday, May 19, 2006

sanamabich!





ang sarap mag punta sa beach. ang sarap sigurong tumira sa beach. lagi nga nasa isip ko yun e, ano kaya kung ibenta ko lahat ng ari arian ko (na siguradong hindi kayang makakabili ng beach house) at tumira ako sa beach. iniisip ko, magsasawa kaya ako kung araw araw tubig ang makikita ko? gusto ko lang kaya yun kasi madalang ako mag punta sa beach? mag sisisi kaya ako?
last year nga nung nagpunta kami ni ivy at barkada naming si sandy sa boracay. parang inggit na inggit ako sa mga tindero sa andoks, o yung mga waiter sa restaurants, kasi feeling ko ang swerte naman

nila, araw araw nasa beach. iniisip ko nga, kahit mag negosyo nalang ako ng henna tattoo, baka ayos na.
ang nakakabwisit kasi e sa amin sa cavite city, may malapit na beach. sikat na sikat yon dati, kahit nga mga artista napunta doon e. kaso lang ngayon, pag dinalaw mo sya, anak ng puta, baka masuka ka sa baho at itsura. ang itim ng tubig, tapos may nalutang na plastic (na may lamang tae?), kahoy, tsinelas, dikya, at iba iba pang basura na ayoko ng alamin kung ano pa. ang masaklap pa nito, malapit lang ito sa hospital. e baka pag ahon mo, may nakatusok pang syringe sa likod mo. delikado. pero matutuwa ka, at may mga pamilya pa na nagagawang lumangoy doon. at mga may kaya din naman ang naliligo doon. naka kotse pa nga e. mag kakainan pa sila ng adobo at mga inihaw nila by the sea amidst the bangaws. wala na sigurong pagasa pa na ma rehab yung beach na yun. ewan ko ba.
itong june, mag pupunta ulit kami sa bolinao, pangasinan para mag beach. excited na ako. sana maging masaya.