Friday, May 19, 2006

sanamabich!





ang sarap mag punta sa beach. ang sarap sigurong tumira sa beach. lagi nga nasa isip ko yun e, ano kaya kung ibenta ko lahat ng ari arian ko (na siguradong hindi kayang makakabili ng beach house) at tumira ako sa beach. iniisip ko, magsasawa kaya ako kung araw araw tubig ang makikita ko? gusto ko lang kaya yun kasi madalang ako mag punta sa beach? mag sisisi kaya ako?
last year nga nung nagpunta kami ni ivy at barkada naming si sandy sa boracay. parang inggit na inggit ako sa mga tindero sa andoks, o yung mga waiter sa restaurants, kasi feeling ko ang swerte naman

nila, araw araw nasa beach. iniisip ko nga, kahit mag negosyo nalang ako ng henna tattoo, baka ayos na.
ang nakakabwisit kasi e sa amin sa cavite city, may malapit na beach. sikat na sikat yon dati, kahit nga mga artista napunta doon e. kaso lang ngayon, pag dinalaw mo sya, anak ng puta, baka masuka ka sa baho at itsura. ang itim ng tubig, tapos may nalutang na plastic (na may lamang tae?), kahoy, tsinelas, dikya, at iba iba pang basura na ayoko ng alamin kung ano pa. ang masaklap pa nito, malapit lang ito sa hospital. e baka pag ahon mo, may nakatusok pang syringe sa likod mo. delikado. pero matutuwa ka, at may mga pamilya pa na nagagawang lumangoy doon. at mga may kaya din naman ang naliligo doon. naka kotse pa nga e. mag kakainan pa sila ng adobo at mga inihaw nila by the sea amidst the bangaws. wala na sigurong pagasa pa na ma rehab yung beach na yun. ewan ko ba.
itong june, mag pupunta ulit kami sa bolinao, pangasinan para mag beach. excited na ako. sana maging masaya.

No comments: