Sunday, May 28, 2006

the gown fitting & da vinci


yesterday me and ivy went to west ave to meet up with our friends and for the girls to fit into their gowns and make adjustments if any. medyo na hassle lang kami ng konti kasi late na kami nakaalis ng cavite. the gowns actually looked really good on the girls and fit them really well. tito (i forgot) did really well sa pag design at pag tahi ng gowns. simple lang sya pero smart and dating. hope they wouldn't grow fat till the wedding day (time remaining: 10 days). hehehe.
and badtrip lang ay yung papunta namin ng makati kasi sobrang lakas ng ulan! as is buhos talaga. buti nalang di gaano nag traffic sa edsa. sa lahat pa naman ng ayoko sa pag d drive ay yung mag mamaneho sa lugar na di ako masyado familiar tapos bubuhos ang ulan. natatakot ako na baka tumirik ang sasakyan ko sa gitna ng edsa sa gitna ng malakas na ulan. pero thank God at nakarating kami ng makati ng maayos sa tulong na den ng kaibigan namin.
last week pa kasi namin planong manood ng da vinci code. pero grabe ang tao! parang langgam sa dami nung nasilip ko yung sinehan sa greenbelt at glorietta. so nag decide ako na palampasin ng 1 linggo at mag sasawa den ang mga tao na yun. buti nalang at sinabayan ng xmen 3 yung da vinci this week kaya majority ng tao ay manonood ng xmen.
honestly, medyo siguro mataas expectations ko sa da vinci code movie. kasi parang sa libro ay sobrang page turner nito. kaso lang nung napanood ko, sa opinion ko lang ay medyo boring. parang ang layo sa libro. kulang sa suspense e. again, baka nga high lang ang expectations ko. kasi may mga parts sa movie na muntikan na ako maka tulog sa tamad e. hehehe. anyway, suggest ko lang ay basahin nyo nalang ang kahit napanood nyo na o hindi pa yung movie. kasi iba yung thrill na makukuha sa book e. yun lang.

p.s. sorry sa quality ng pictures. sa cellphone ko lang kinunan e.

No comments: