Tuesday, May 30, 2006

IMAX at ang nakakaligaw na mall


kahapon sumabay ang ako sa daddy ko sa kotse kasi medyo mahal na ang gas ngayon. nag increase na naman last weekend ang bwisit na gas ng P .50, kelan kaya titigil ito? sobra ng mahal mag travel ngayon. ang isang libong pisong gas nga naubos ko lang sa byahe ng 2 days e. gusto ko ng mag palit ng mas maliit na engine na kotse. sana 1.3 o pwede na den 1.0 na makina! at least tipid kahit mabagal. di ko naman kailangan makipag karera e.
speaking of karera, kahapon medyo maaga kami umalis ng office para makisakay sa bandwagon ng mga taong nakapanood na ng imax. hehehe. naiintriga den ako dito e. kasi di pa den ako nakakapanood nito, puro kwento lang naririnig ko. although nakapanood na ako ng 3d movie sa disney world noon. pero ibang klase daw ang imax kasi umaabot ng 8 storey building ang taas ng screen nito o 80 feet ang taas. located ito sa bagong bukas na mall of asia.
pag dating namin sa mall, nagulat ako kasi sobrang laki pala nito. expected ko crowded ang kalye papunta at mahirap mag park. pero hindi pala. kasi sobrang laki ng parking sa labas, at may covered parking den sila, hassle nga lang kasi kailangan mo magbayad ng P40 pag exit sa covered. pag pasok mo sa mall medyo magugulat ka (siguro dahil 1st time ko din lang nakapasok) kasi nakakaligaw yung lugar sa laki. manonood sana kami ng everest sa sa imax, pero according dun sa counter, may problema daw yung everest kaya nascar lang ang available. pero 3d movie ito. since napanood na ng daddy ko, ako nalang mag isa ang nanood (45 minutes lang naman e).
pag pasok mo sa theater makikita mo na ang laki sobra ng screen at ang daming seats, sabi nila mga 600+ daw ang capacity nito. pag start ng trailer, suot mo na yung 3d glasses mo. sa trailer pa lang, pag bago ka lang nakapanood ng 3d film, ma e excite ka na kasi feeling o talaga yung mga characters sa screen e lumalabas at parang nasa harapan mo lang. yung ibang katabi ko nga e parang inaabot pa yun sa harapan nila e. hehehe. ok ang experience. sana lahat ng bata ma experience ito, dahil nakaka enjoy. sana nga lang babaan nila pa ng konti ang fee para yung ibang bata makapanood rin dito.

No comments: