Friday, June 16, 2006
Five Simple Pleasures Of Life
minsan mga simpleng bagay lang, masaya ka na e. di mo na kailangan ng madaming pera o magandang kotse o bakasyon sa bahamas para sumaya. although ok den sana pag meron ako ng mga iyon. (hahaha)
1. being with ivy - 6 years na kami ni ivy together. kaya alam na namin ang ugali ng isa't isa. alam nya na yung mga bagay na ayoko at gusto ko. alam nya den kung isusuot ko ba ang isang damit pag binili ko, o kung once ko lang to susuot tapos mabuburo na sa drawer ko. hehehe. pag magkasama kami, kahit nood lang kami tv, masaya na kami. kahit minsan nagkaka asaran kami o inaasar ko sya, after ilang minutes naman ok na naman kami. hehehe. ngayon kasi pag kami ni ivy may time mamasyal, namamasyal na kami.kasi during sa weekdays, although nagkikita kami at least twice or thrice, usually sinusundo ko lang sya sa office o didiretso ako sa kanila at antayin sya dumating from office. minsan gabi na den yun. pagod na sya, minsan kakain lang kami tapos check ko lang ung shop namin, tapos uwi na ako. kaya di kami masyado nakakapag usap. pero pag weekend at libre kaming 2, usually kakain kami sa labas o mag iikot sa mall. ang hilig lang kasi namin kumain sa labas e. tapos mag discover ng mga bagong restaurants, iniisa isa namin lahta ng restaurants tapos babalikan namin yung mga naaalala namin na masarap. although may history na talaga kami na lagi kaming minamalas sa mga chinese restaurants. laging palpak ang crew o palpak ang pagkain na naoorder namin. di ko lang alam kung bakit. e simple lang naman ang mga chinese food e. ewan ko ba. basta madami na kami wi-nalk out-an o kinausap na manager sa mga chinese restaurants.
2. our rest house in mendez - although it is just a small "bahay kubo" it is complete with all our basic needs. meron kaming cr na medyo hi-tech kesa sa ibang kubo hehehe, may kitchen sa basement at higit sa lahat madaming higaan at upuan. ang sarap mag stay doon sa weekends kasama mga friends or family mo para ba makawala man lang kahit 2-3 days sa gulo, ingay at pulusyon ng maynila. 5 minutes drive away ang mahogany market ng tagaytay at kumpleto na ang mga pang ulam na mabibili doon. syempre ang da best pa den doon ay ang bulalo. may suki na kami doon kaya fresh ang beef at buto na ibinibigay sa amin. pwede den mag ihaw sa likod bahay namin. tapos pag luto na ang lahat, doon kami sa likod bahay kumakain sa ilalim ng punong mangga. tapos kumain, tulog konti. tapos kain na naman. tapos tulog. tpos inom konti. tapos tulog. hehehe. bintilador lang ang katapat, malamig naman e. minsan nga lagi na de delay ang pag uwi namin ng sunday e. minsan usapan uuwi na ng after lunch, pero yung after lunch na yun aabutin ng 6-7pm pa.
3. listening to my ipod - halos 2 o 3 years na ata yung ipod ko sa akin, pero laging nasa bag ko yun para laging ready pag gusto ko makinig ng music. kaya nga nahirapan ako nung pinahiram ko sa kapatid ko yun nun ng punta sa states e. hehehe. wide kasi ang range ng music na gusto ko pakinggan. from world music to proggresive rock to house music. dati talaga solid blues fanatic ako. as in naubos ang allowance ko sa kakaipon at bili ng blues cd. pero ang talagang malaking influence sa akin kaya nag banda kami noon at si stevie ray vaughan. pero ngayon, lahat ng music pinapakinggan ko. ang latest na pinapakinggan ko ngayon ay billie holiday. ang galing sobra, kahit na tunog na nanggaling sa hukay yung quality ng sound ng mga songs nya. hehehe. isa pang bago ko pinapakinggan ay yung red hot chilli peppers, yung stadium arcadium. double album yun, pero sulit lahat ng kanta! ang galing sobra. madalas ko den pakinggan yung john coltrane selection ko. ang pinaka favorite na album ko ni coltrane yung giant steps. gift sa akin ng pinsan ko yun matagal na matagal na. hanggang ngayon, favorite ko pa den. actually lahat naman ng music gusto ko, kahit pa country. kahit bihira ako makinig nun. hehehe. kasi sa tingin ko naman halos lahat naman ng music sinulat ng composer na may may inspiration na galing sa puso nila. pwera nalang yun mga pa weirdo effect na corny ang lyrics. yung mga tipong- its 9 pm, i think ill die. slash my fucking wrist and my soul will be roaming the world like a black fucking ghost. hahaha. yeah pare, cool!!! yun lang ang nakaka bwisit. aside from that, ok sakin lahat.
4. eating - kahit na nabanggit ko na mahilig kami ni ivy na kumain sa restaurants. pag ako lang mag isa, mahilig talaga ako kumain. ewan ko kung nagawa nyo na na kaka lunch nyo lang, tapos habang naglalakad kayo, may nakita kayo masarap na pagkain, tapos mag lu lunch na naman kayo. kaya minsan sa loob ng 30 minutes, naka 2 lunch ako sa 2 fastfood/carinderia/restaurant. hahaha. parang patay gutom ba? masarap kasi kumain e. siguro ngayon ang weakness ko ay kahit anong pagkain na may curry at japanese food. si ivy kasi di masyado mahilig sa curry e. kaya pag ako mag isa, nakakita ako curry, kain na agad! dati nga inaantay ko si roy sa makati, e sobrang tagal dumating, naka 3 dinner ako. hahaha. kaya nung gabi at mag iinom kami, medyo wala na ko sa mood kasi sobrang busog na ako. sa saisaki nga noon medyo bata pa ako, nakaka 5 plates ako e. kaso yung huling kain ko, naka 2 plates nalang ako. tapos dessert na. parang tumatanda na ata ako, pati tyan ko, di na kinakaya. isa pang gusto ko kainin pero dapat iwasan ko na ay yung mga street food. ewan ko ba, kahit na minsan alam mo na madumi, di mo ma control. mapa bbq, squid balls, mami, qwek qwek, etc pa yan. ang sarap kainin!! hehehe. pero iniiwasan ko na den, baka magka hepa pa ako.
5. magkulong sa kwarto ng 1 araw at manood lang ng tv - ewan ko ba. pero minsan pag nagkaka sakit ako, enjoy ako e. biro mo sa kwarto ka lang, on mo buong araw yung aircon tapos manood ka ng tv. tapos baba ka lang o paakyat ka ng pagkain. ok diba? parang hari. hehehe. ang sarap. months ago nga nagkasakit ako e. namaga ang tonsils ko. kaya 3 days na ganun lang ang gawain ko. ang saya! biro mo late na ko magigising, tapos nood ako sa tv ng jamie oliver, yung naked chef.. galing magluto nun. tapos maury na, tapos jerry springer. ano pa hahanapin mo? in between ng mga programs na yun makakatulog ka. tapos magigising ka para manood ulit at kumain na naman. tapos mag co computer ka, laro ng games at internet. tapos nun mag magic sing ako. pucha, lalo ata namaga ang tonsils ko e. kasi nung may sakit ako, mga 3 oras ata ako non-stop kumanta nung ako lang magisa sa room. tapos magpapa awa ka, pag tawag ng nanay ko, mag papauwi ako ng pasalubong (parang bata no?) hehehe. so kain na naman. bakit kaya pag nasa loob tayo ng kwarto natin feeling natin may healing na nangyayari? feeling natin gagaling tayo pag nag rest doon. feeling natin sobrang safe natin at kahit anong gulo mangyari sa labas, nasa loob tayo ng sarili nating sanctuary na walang gagalaw sa atin. yan ang 1 sa mga misteryo ng kwarto. hahaha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Sure ka walang pang anim? yung lagi mong kinukwento sakin na ginagawa mo pag kunwari may sakit ka at nagkukulong sa kuwarto?
nagbabasa ng book.
actually ... hindi talaga ako and number 1 dito sa five simple pleasure ... kung hindi ko pa nakita hindi iibahin ng "damuho" ko na boyfriend ... pero super love ko naman ...
anyway ... kung hindi pa ako nagtampo ... hindi magiging IVY amg number 1 sa pleasure in life nya...
haaay! :'( minsan naiisip ko love ba nya talaga ako :'( or nilagay lang ni mike para iwas sa galit ko .. hehehe
tnx honey for making me number 1 eventhough pilit lang ... i still love you ..
Post a Comment