Monday, June 26, 2006

The None (Nun) Kwenta Movie


nung bata pa ako, mahilig na talaga ako sa horror movies. kahit nung panahon ng shake, rattle and roll o yung regal shocker sa tv, nanonood na ako noon. mahilig din ako mag rent ng betamax na mga horror tulad ng nightmare on elm street, friday the 13th, candyman, omen, etc. kaso nung tumanda na ako, medyo konti nalang ang magagandang horror movies na maganda. pero nung lumabas yung mga japanese movies tulad ng the ring, shutter at atbp., nabuhay na naman ang pagiging horror film fanatic ko. lately nga lang, bihira na ako manood ng horror films kasi pag kasama ko si ivy manood, minsan sa kanya pa ako nagugulat o ninenerbyos kaysa sa film. kaya lately, iniwasan na namin manood ng horror films. hehehe. pero 2 saturdays ago, niyaya ako ng kapatid ko manood ng omen 2006. medyo ok na sya kaso di pa din kasing nakakatakot kaysa nung mga films dati. kahit pa gabi na kami nonood at wala masyado tao sa sinehan sa atc, di pa den kami masyado natakot. nagugulat lang.
tapos biglang may napanood ako na trailer sa tv na the nun. sabi nila nakakatakot daw. kahit sa solar tv promote nila kasi daw galing daw sa makers ng so and so. kaya na excite ako at nag sched ulit kami ng kapatid ko manood ng the nun sa atc kagabi. siguro ito na yung movie na inaatay ko na tatakot sa amin.
pag start ng film, sa unang scene pa lang e medyo parang di na kapani paniwala na sa isang all girls school/dormitory ay pinapatakbo ng isang mahigpit na madre. so sinakyan ko lang ang story, hanggang sa kalagitnaan na ng film, napapansin ko na medyo jologs ang plot at ang mga artista ay hindi marunong umarte. nagtatawanan na nga kami ng kapatid ko e. tapos 3/4 through the film, sobrang corny na ng plot at ang mga lines, acting, etc ng ibang characters ay nagamit na sa ibang sine. tapos sobrang babaw ng story. hanggang sa nawalan na ako ng pag asa. pero inantay ko pa den ang ending, which turned out na mas nakaka init ng ulo.
lumabas kami ng sine na nanghihinayang at nag sisisi sa nasayang naming pera at oras. natulog nalang sana kami. sana magkaroon dito sa pinas ng isang group na nag s screen ng mga sine, at ang mga walang kwentang sine tulad ng the nun ay hindi na pinapalabas dito. parati pa naman nila advertise ito sa tv, etc. sasabihin nila na nakakatakot, e kahit ata bata matatawa lang sa plot ng storya at sa mga actors nito e.
sana sa susunod na panood namin, medyo may kalidad naman na horror movie ang mapanood ko. yung tipong natatakot ka pumasok ng kwarto o ng banyo pag uwi ng bahay. yung tipo na gigising ka sa madaling araw na iniimagine kung may anino ba ng babae na nakatayo sa sulok ng room mo. yun ang horror movie!

2 comments:

TJ Tirante said...

pare si makita mo si wright nakatayo sa kwarto mo pagising mo...yun ang horror...

Michael said...

oo tapos may hawak na palara si wright. hahaha