Thursday, June 08, 2006

Roy and Den Wedding

sa wakas, after matagal na preparations, natuloy na den ang kasal ni roy at denden. around 3 pm mag start yung wedding, pero dapat 1pm nasa csb hotel na kami para makuha ni ivy yung gown nya. around 1130, pinick up ko na si ivy sa salon, tapos diretso na kami sa csb hotel. grabe, gutom na gutom kami, kasi pareho kami ni ivy breakfast pa lang ang nakakakain. skyflakes at bottled water lang ang baon namin sa kotse. hehehe.

pag dating namin sa hotel, mi-neet namin si jay at si sandy. ang mga girls, nag suot na ng mga gowns nila. sobrang busy ng 2 rooms (1 for the groom's family, 1 for the bride's family) kaya wala kami ni jay space sa loob. tumambay nalang kami sa may waiting area ng floor na yon. once in a while lumabalas si roy para maki chika at maki picture taking. minsan lumalabas den si frank (brother ni den).

after na makabihis na ang lahat. deretso na kami sa manila cathedral. lahat naman kami dumating before mag 3pm. ang problema, medyo na abala sila day at bong kasi nahuli sila ng pulis along taft. na kikilan tuloy si bong ng P500. hehehe. actually 1st time ko lang makapasok ng manila cathedral. ang laki pala ng loob nito. at aircon! meet ko si daddy (ninong) at si mommy sa loob ng cathedral. kumpleto na ang entourage at inaayos na nung tiga cathedral ang order ng march. nakita ko den ang mama ni tj (ninang) sa loob. nung nag start na ang march (magkasama kami ni ivy), lumabas na si den sa bridal car nya. ang ganda ng gown nya at elegant ang dating nya sa gown.
(muka akong ngarag dito sa picture na ito) anyway, after ng mass, diretso na kami sa coconut palace para sa reception. medyo nag prepare pa ng konti ang mga host (si day at yung isang babaeng slang mag salita. hehe) at pinaupo muna ang mga tao before mag start ang program.
habang nag aantay ang mga tao sa program, kami naman nila ivy, panay ang posing sa loob ng building kasama sila roy. akala ko, diretso na program at kainan, un pala mag ma march pa ulit kami papunta sa harap ng stage. ok lang, enjoy naman e. hehehe.

may mga pinakitang parang mtv si day na dedicated kay denden. akala ko maiiyak si roy, pero nung lingon ko sa table nila, walang pakialam si roy, kasi busy sya sa kaka kain. hehehe. pero nung time na nag palabas na si day ng mtv na dedicated kay roy. ayun, napaiyak ang hitad! hahaha. ok yung program. masarap den ang food, sayang nga lang at di ko nakunan ng picture. mag mumukang tanga naman ako sa table at kinukuhanan ko ang kinakain ko.
after ng program, nag paalam na ang mga bisita. tapos tumulong kami mag ayos ng konti. tapos umuwi na den kami para maka uwi na ang bagong kasal at makapag honeymoon na. hehehe.

4 comments:

TJ Tirante said...

Kainggit...saya naman...saan honeymoon?

Ikaw Mike, kelan? hehe

Unknown said...

Napaka inspiring naman nang kasalan na ito,congratulation to the couples and also best wishes.

wedding packages
http://www.philippineweddingplanner.com

Unknown said...

Napaka inspiring naman nang kasalan na ito,congratulation to the couples and also best wishes.

wedding packages
http://www.philippineweddingplanner.com

Unknown said...

Napaka inspiring naman nang kasalan na ito,congratulation to the couples and also best wishes.

wedding packages
http://www.philippineweddingplanner.com